TULAK KUMASA SA PNP-PRO5, PATAY

DEAD on the spot ang isang notorious drug pusher nang mauwi sa engkwentro ang ikinasang anti-narcotics operation ng mga tauhan ng PNP-Police Regional Office 5, na nasa pamumuno ni P/Brig. General Jonnel C. Estomo, sa Naga City.

Ayon sa ulat na isinumite kay Bicol PNP chief, P/BGen. Estomo, napatay sa armed confrontation ang pakay ng anti-drug operation na kinilalang si Marvin Valenzuela y Estrella, nasa hustong gulang, walang trabaho at residente ng Zone 1, Brgy. Mabolo sa nasabing siyudad.

Ayon kay PNP-PRO5 Public Information Office chief, P/Major Malou Calubaquib, bandang alas-11:45 ng gabi nang isakatuparan ng mga

kawani ng Naga City Police Office (NCPO) kasama ang Regional Mobile Force Battalion (RMFB 5), ang buy-bust operation laban sa suspek sa Zone 5, Sitio Matiway, Brgy. San Felipe.

Sa inisyal na ulat mula sa NCPO, binentahan ng naturang suspek ang poseur buyer ng PNP, ng isang sachet ng umano’y shabu kapalit ng P7,500 cash. Matapos ang palitan ng item, nakatunog ang suspek na isang bitag lamang ang nasabing transaksyon kaya agad pinaputukan ang mga operatiba.

Napilitang gumanti ng putok ang mga operatiba upang depensahan ang kanilang mga sarili na naging dahilan ng pagkamatay ng suspek.

“Ang kapulisan ng Bicol ay patuloy ang ginagawang pagpupursige sa paghahatid ng serbisyo upang matiyak ang pangkalahatang kaligtasan ng komunidad sa kahit na anong banta ng kriminalidad,” pahayag ni P/BGen. Estomo. (JESSE KABEL)

208

Related posts

Leave a Comment