SA bisa ng Executive Order No. 21-10-06-030, pansamantalang isasara ang lahat ng pampubliko at pribadong sementeryo sa Lungsod ng Malabon mula Oktubre 29 hanggang Nobyembre 3, 2021.
Mananatili naman itong bukas hanggang Oktubre 28, 2021 para sa mga nais bisitahin ang kanilang mga yumaong mahal sa buhay. Papayagan lamang ang pagbisita sa sementeryo mula ika-6 ng umaga hanggang ika-11 ng umaga at mula ika-2 ng hapon hanggang ika-6 ng gabi.
Hanggang tatlong tao lamang sa isang pamilya ang pwedeng pumasok sa sementeryo sa limited public visitations.
Bawal isama kapag 17-taon gulang pababa at 65-taong gulang pataas.
Sa limited public visitation (Oktubre 15-28), 300 katao lamang ang papayagang pumasok sa loob ng sementeryo kada shift para sa physical distancing.
Mahigpit na ipatutupad ang “No Face Mask, No Face Shield, No Entry” policy at kailangan ding magdala ng valid ID.
Ipinagbabawal ang pagdadala ng kutsilyo, cutter o ano mang matalim na bagay; radio, loudspeakers, Bluetooth speakers, gasoline, lighter fluid, o iba pang bagay na maaaring magsimula ang sunog; alak at iba pang nakalalasing na inumin. (ALAIN AJERO)
342 