NAKAHANDA na ang Lungsod ng Maynila para sa limitadong face-to-face classes.
Ayon kay Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso, ininspeksyon umano nito ang paghahanda sa limitadong face-to-face classes sa ilang paaralan sa lungsod.
Kasama ng alkalde sina City Engineer Armand Andres at Division of City Schools Supt. Dr. Magdalena Lim na nag-inspeksiyon sa Aurora Quezon Elementary School.
“Sa mga nanay at tatay ng mga Batang Maynila, naggagayak na ang inyong Division of City Schools thru Dr. Magdalena Lim at ang inyong pamahalaang lungsod,” ayon kay Moreno.
“Naglalagay na tayo ng acrylic barriers para pumanatag kayo na pagbalik ng mga anak niyo, may mga ginawa na ang pamahalaan para maingatan sila. So kapit lang,” dagdag ni Moreno.
Ipinakita ni Moreno ang disenyo ng mga silid-aralan na gagamitin sa face-to-face classes. (RENE CRISOSTOMO)
168 