DESPERADO na si Quezon City Mayor Joy Belmonte dahil ginagamit na umano nito ang Philippine Star para banatan si presidential candidate Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., matapos nitong hindi pagbigyan ang kanilang hiling na ilaglag ng Partido Federal si Anakalusugan party-list Rep. Mike Defensor na kanyang makakalaban sa mayoralty race sa nasabing lungsod.
“Ako tingin ko talaga, ang ginagawa nilang yun parang act of desperation. Medyo desperado talaga. Hindi dapat gawin yun,” ani Defensor sa press conference kahapon sa ilang mamamahayag sa Kamara.
Isiniwalat ni Defensor na isang buwan bago ang paghahain ng Certificate of Candidacy (COC) ay ipinatawag ni Belmonte si Gov. Jun Tamayo ng South Cotabato upang igiit umano na siya pa rin ang Partido Federal ng Quezon City at National Capital Region (NCR).
“Yung pangalawa dun yung naging pag-uusap sa…. kay BongBong Marcos ng Philippine Star. Through…well supposedly the message came from Miguel Belmonte..ang nag-conduit si …kaibigan ko naman, binanggit ko rin naman ito in the past na kaibigan ko at malapit kong kaibigan…Marichu Villanueva,”” ani Defensor.
“Na yun nga sinasabi huwag kayong sumama kay Mike Defensor, huwag nyong ibigay ang nomination kay Mike Defensor at lahat ng story nyo lalabas sa Philippine Star…eto nanggaling sa kanila,” dagdag pa nito.
Nang makita sa media na magkasama na sina Defensor at Marcos ay may nagtanong umano kung ito ay done deal na (ang alyansa). Nang makumpirma ng kanilang presidential candidate ang kanilang pagsasama ay tinira na aniya ito ng Philippine Star.
“Ang ginawa nila, ang naging headline nila na “Losing Vice Presidential candidate and son of a dictator. So nakita na nila, malinaw na talaga na tirahin na si Bongbong Marcos because probably because of his alliance with me,” ani Defensor.
“I would think malaking bagay yun dahil malaki ang taya ng mga Belmonte dito sa Quezon City,” dagdag pa ni Defensor subalit dismayado ito dahil ginagamit umano ang diyaryo sa ganitong laban.
Nanghihinayang ang mambabatas dahil institusyon na aniya ang Philippine Star na hindi umano dapat ginagamit para bakbakan ang mga hindi kakampi ng mga Belmonte.
“Hindi dapat gawin yun. Hindi naman siya (Belmonte) ang diyaryo eh. In fact ang ownership ng diyaryo si Mr. (Manny V.) Pangilinan. Ang kanila lang is the management so siguro hindi ganun ang gawin. Hindi dapat gamitin ang diyaryo,” dagdag pa ni Defensor.
Bongbong
pinasalamatan
Kaugnay nito, pinasalamatan ni Defensor si Marcos dahil sa kabila ng banta sa kanya ng Philippine Star ay tinindigan siya ng kanilang presidential candidate.
“Alam mo sa maraming pagkakataon kasi sa labang ito yung titindigan ka ng tao. Ipapakita sa iyo ang kanyang pakikiisa, yung kanyang loyalty na talaga hindi niya alintana na may threat sa kanya
na gagamitin ang isang diyaryo laban sa kanya eh kumampi pa rin siya sa amin. For that we are grateful and for that we will support him,” ayon pa sa mambabatas hinggil kay Marcos.
“At talaga namang nakikita namin ang lakas ni Bongbong Marcos sa Quezon City at sa buong bansa,” dagdag pa ni Defensor. (BERNARD TAGUINOD)
208 