62-ANYOS NINAKAWAN, PINATAY SA CABUYAO

LAGUNA – Nadiskubreng duguan at walang buhay ang isang 62-anyos na lola na hinihinalang pinatay matapos pagnakawan ng hindi kilalang suspek sa bayan ng Cabuyao.

Kinilala ang biktimang si Primitiva Emboltorio, natagpuang nakahandusay sa kanyang tahanan at tindahan sa Brgy. Mamatid dakong alas-5:00 noong Miyerkoles ng hapon.

Hinihinalang pinalo ito ng matigas na bagay sa ulo na agad nitong ikinamatay.

Nakakalat ang mga gamit ng biktima sa kanyang kuwarto at hinalungkat ang mga cabinet.

Lumalabas sa imbestigasyon na pagnanakaw ang motibo sa krimen dahil nawawala ang P5,000 cash ng biktima at isang piggy bank jar na may lamang coins.

Ayon sa mga imbestigador, pumasok ang suspek sa front door at tumakas matapos na sirain ang kandado ng backdoor.

Ayon sa mga kaanak at kapitbahay ng biktima, huli itong nakitang buhay noong Miyerkoles ng tanghali habang nagbabantay sa kanyang tindahan. (NILOU DEL CARMEN)

122

Related posts

Leave a Comment