Kung magwi-withdraw ang mga ospital sa PhilHealth UNIVERSAL HEALTHCARE ACT, MAWAWALAN NG SAYSAY

MAWAWALAN ng saysay ang Universal HealthCare Act kung tuluyan nang magwi-withdraw ang mga ospital sa Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth).

Ito ang binigyang-diin ni Senadora Imee Marcos sa gitna ng babala ng ilang pagamutan na hindi na magpapa-accredit sa PhilHealth dahil sa hindi pa rin nababayarang utang sa kanila.

“Ngayong walang trabaho at walang pera ang mga tao, sino ang magbabayad sa kanilang medical expenses, kung hindi na rehistrado sa PhilHealth ang mga ospital? May halos 95 milyon na direct at indirect contributors ng PhilHealth na mababahalang mawalan ng benepisyo,” saad ni Marcos.

“Dapat bayaran na agad ng PhilHealth ang bilyun-bilyong utang nito, sabay kasuhan ang mga gumagawa ng upcasing kapag may pruweba naman. Tutal, ipababalik naman ng korte sa PhilHealth ang pera na may dagdag pang interes, kung talagang may sala ang mga ospital,” dagdag pa nito.

Sa kanyang panig, hinimok ni Senadora Risa Hontiveros ang PhilHealth na agad nang bayaran ang obligasyon sa mga pagamutan.

Umapela rin ang mambabatas sa mga pribadong pagamutan na tupdin ang kanilang commitment na tiyakin ang abot kayang healthcare. (DANG SAMSON-GARCIA)

222

Related posts

Leave a Comment