MULA Oxford University, pekeng survey ng Rappler, emergency alert sabotage, Martial Law issue, ngayon naman ay pinakakansela na sa Commission on Election (Comelec) ang kandidatura ni dating Senador Ferdinand “Bongbong” Marcos (BBM). Hindi na kayo nagsawa!
Nitong nakaraang Martes ang civic groups na Task Force Detainees of PH, KAPATID, Medical Action Group, FIND, PH Alliance of Human Rights Advocates at Balay ay nagtungo sa Comelec sa Intramuros, Maynila para maghain ng 57-page ng kanilang petisyon laban sa batang Marcos.
Sinasabi ng grupong ito na wala raw karapatan na tumakbong presidente si BBM dahil convicted daw ito sa kasong tax evasion.
Taong 1995 daw nang mahatulan si BBM para sa tax evasion na nag-ruling ang Court of Appeals na ang kaparusahan ay magmulta na lamang siya.
Hindi raw nagbayad ng mandatory income tax returns mula 1982 hanggang 1985 si BBM kaya dapat ay diskuwalipikado siyang tumakbong kahit ano mang posisyon sa gobyerno. Hiyang-hiya naman kami sa inyo!
Umaabot daw ng 23 bilyong piso ang hindi nabayarang buwis ni BBM sa gobyerno na naging dahilan ng kaso sa kanya kaya hindi siya maaaring humawak ng anomang posisyon sa pamahalaan.
Una, tumakbo nang vice president si BBM na naging kalaban niya pa si Leni Lugaw este Robredo pala, bakit ngayon n’yo lang inilabas ang
isyung yan? Dahil alam n’yong malakas si BBM at mananalo siya sa darating na eleksyon?
Pangalawa, obyus na pakawala kayo ni Lugaw para sirain si BBM.
Pangatlo, ano pa ang isusunod n’yong paninira sa kanya? Na siya ang nagpapatay kay Rizal?
Pang-apat, kahit anong paninira n’yo sa kanya ay hindi na umeepekto ‘yan.
Panglima, Bakit? Kasi nagsawa na ang taumbayan sa mga style n’yo.
Lahat ng mga Pilipino ngayon ay mulat na dahil sa internet.
Lahat na tayo ay may access na sa internet na pwede na lahat magsalita ng kanilang nararamdaman gamit ang social media.
Hindi lingid sa kaalaman ng ating mga kababayan na simula nang mag-file ng Certificate of Candidacy (COC) si BBM ay sinimulan n’yo na siyang siraan.
Bakit takot kayo ‘pag siya ang naging presidente?
Kung wala kayong ginagawang masama bakit kayo matatakot sa kanya?
Kilala na ng taumbayan kung sino ang nasa likod ng mga paninirang ito laban kay BBM.
Napakaliit lamang na porsyento kayong naninira kay BBM kung ikukumpara kayo sa milyun-milyong mga Pinoy na naniniwala sa kanya.
Wala kayong magagawa sa pagbabalik ng mga Marcos sa Malakanyang, taumbayan lamang ang tanging nakakaalam niyan.
Napatunayan ng PUNA kung gaano kalakas si BBM sa mga ordinaryong mamamayan.
Nitong nakaraang Oktubre 30, 2021 ay isinagawa natin ang survey sa limang (5) Tricycle Operators Drivers Association (TODA) sa Quezon City.
Ito ay ang West Fairview TODA sa West Fairview, DAVTODA sa panulukan ng Don Antonio at Commonwealth Avenue; New Era TODA sa panulukan ng Central at Commonwealth Avenue; Central TODA sa panulukan ng Central Avenue at Visayas Avenue at Project 6 TODA sa Project 6, Quezon City.
Dito ay nanguna si BBM na nakakuha ng 28; Leni Robredo ay 4 lamang ang nakuha na sobrang layo ng diperensya nila.
Pumangatlo si Manny Pacquiao na may 3 boto; pang-apat sina Isko Moreno at Panfilo Lacson na may 2 parehas na boto; at Ronald “Bato” Dela Rosa na walang nakuhang boto.
Nakapagtala naman ng 19 na ‘undecided’ na boto sa 58 katao na na-survey ng PUNA.
Malinaw lamang na walang epekto ang ano mang paninira laban kay BBM.
oOo
Para sa suhestiyon at reaksyong mag-email sa joel2amongo@yahoo.com at mag-text sa cell# 0919-259-59-07.
3921 