DONASYONG BAKUNA BUBUHOS SA PINAS

MAKATATANGGAP pa ang Pilipinas ng ilang milyon pang COVID-19 vaccines na donasyon ng China, Japan, at Germany.

“Marami pa pong countries like Japan, and also Germany, and other EU countries ang nag-ano po na talagang magdo-donate pa po sila,” ani vaccine czar Carlito Galvez Jr., chief implementer ng National Task Force Against COVID-19.

Tumanggi naman si Galvez na magbigay ng karagdagang detalye dahil nagpapatuloy pa aniya ang negosasyon.

Ang Pilipinas ay nakatanggap ng 106.2 milyong bakuna nitong katapusan ng Oktubre.

Kabilang dito ang all-time high monthly delivery na 34.8 million doses. (CHRISTIAN DALE)

105

Related posts

Leave a Comment