2 SUSPECT SA PLACER SLAY CASE, HULI SA PNP-PRO5

NADAKIP na ang dalawang lalaking suspek sa Placer slay case na itinuturong sumaksak sa driver at cook sa loob ng Catholic Parish Church sa Placer, Masbate noong nakalipas na Linggo matapos ang inilunsad na manhunt operation ng mga tauhan ng PNP Regional Office 5.

Sa report na isinumite kay PNP-PRO5 Regional Director P/BGen. Jonnel C. Estomo, napatay sa pananaksak si Arnel Dela Paz y Beroy, residente ng Roxas St., Brgy. Poblacion, Cataingan, Masbate.

Si Delapoz ay natagpuang duguan sa isang kwarto sa loob mismo ng simbahan dakong 9:00 ng umaga ng nasabing araw.

Matapos ang masusing imbestigasyon ng Placer MPS, nakilala sa pamamagitan ng CCTV footages ang mga nasa likod ng krimen. Nakita ang dalawang suspek na palakad-lakad sa nasabing gusali na may dalang patalim.

Ang mga ito ay tinukoy na sina Retche Laurente y Samson, 27, ng Caloocan City, at Jordan Nepomuceno y Castillo, 31, ng Masbate City.

Agad ikinasa ng mga awtoridad ang manhunt operation at noong Linggo, Nobyembre 7, 2021 dakong 11:45 ng gabi, natunton nang pinagsamang mga operatiba ng Masbate CPS, Placer MPS at PIU-Mas PPO ang kinaroroonan ng mga suspek sa Brgy. F. Magallanes, Masbate City na nagresulta sa pagkakadakip sa mga ito.

Pagnanakaw ang tinitingnang motibo sa panloloob at pamamaslang ng mga suspek.

Ang mga suspek ay kasalukuyang nasa kustodiya ng Placer MPS at nahaharap sa kasong robbery with homicide. (JESSE KABEL)

243

Related posts

Leave a Comment