NUMBER CODING MULING IKAKASA

TINITINGNAN ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang pagbabalik ng pagpapatupad ng number coding scheme sa Kalakhang Maynila habang ang bigat ng daloy ng trapiko sa rehiyon ay nagsisimula nang bumalik sa pre-pandemic level.

Sinabi ni MMDA Chairman Benhur Abalos na pag-uusapan ng ahensya kung paano nila ipatutupad ang polisiya na hindi mauuwi sa marahas na implementasyon.
“So we were thinking what if gawin naming, kasi merong oras na talagang napupuno lang tayo eh,” ayon kay Abalos.

“We were thinking what if yung number coding doon lamang sa oras na yun muna para hindi ganoon ka-drastic, sa rush hour lang,” dagdag na pahayag nito.

Sa kabilang dako, kinukonsidera naman nila Abalos ang “7 a.m. to 9 a.m. at 5 p.m to 7 p.m.” bilang time frame para sa implementasyon ng number coding scheme.

Aniya, isinasapinal na nila ang bagong polisiya sa loob ng dalawa hanggang tatlong araw o sa loob ng isang linggo.

“Maaring this week, mayroon kaming panukalang gagawin sa MMDA,” aniya pa rin. (CHRISTIAN DALE)

214

Related posts

Leave a Comment