TSINO, KINIDNAP NG KAPWA TSINO

MALALIMANG imbestigasyon ang isinasagawa ng Cavite Police at Philippine National Police – Anti Kidnapping Group (PNP-AKG) kaugnay ng reklamong inihain ng isang 25-anyos na Chinese national na umano’y dinukot, kinuhanan ng hindi bababa sa P500,000 bilang ransom ng kapwa Tsino sa Bacoor City.

Ayon sa biktimang si Jain Lui, residente ng Makati City, pinapunta umano siya ng suspek na kinilalang isang A-Xu, alyas A-Jian sa Shuang Ma building sa Barangay Niog-3 sa Bacoor City para pag-usapan ang kanya umanong business proposal.

Subalit pagpasok pa lamang umano ng nasabing gusali, agad siyang pinosasan at dinala sa isang kuwarto kung saan umano siya ikinulong at pilit na pinasuka ng salaping kapalit ng kanyang kalayaan.

Sa kagustuhang makalaya, agad naman umano siyang nagbigay ng P375,000 mula sa kanyang online bank account at cash na nagkakahalaga ng P150,000. Sa halip na palayain, ibinenta pa umano siya ng suspek sa Xinchuan Technology (isang POGO operating firm) sa halagang 50,000RMB o ang katumbas na halagang humigit kumulang P400,000.

Matapos ang transaksyon ng suspek sa Xinchuan, agad namang sinundo ng nasabing POGO firm ang biktima. Dito na isinalaysay ni Jain ang kanyang sinapit sa kamay ng kapwa Tsino.

Mabilis namang tumugon ang mga executive ng Xinchua corporate na sinamahan pa siya sa PNP Headquarters sa Camp Crame para idulog ang reklamo laban sa kapwa Tsino. (SIGFRED ADSUARA)

267

Related posts

Leave a Comment