UMANI ng samu’t saring reaksyon mula sa milyun-milyong mga Pinoy sa buong mundo ang ginawang pag-atras ni Mayor Inday Sara Duterte sa pagtakbo sa pagka-alkalde ng siyudad noong nakaraang Martes, Nobyembre 9, 2021.
Nagtungo si Inday Sara sa Commission on Election (Comelec) sa Davao City para iatras niya ang kanyang kandidatura sa pagka-alkalde at naging kapalit niya ang kanyang nakababatang kapatid na si Baste Duterte.
Sa pangyayaring ito ay marami ang natuwang Pilipino at naging mainit ang usap-usapan sa mga pagtitipon.
Marami ang umaasa na matutuloy na ang BBM-INDAY SARA TANDEM.
Ika nila, BBM for President, Inday Sara for Vice President para sa 2022 national at local elections.
Kung matutuloy raw ang tambalang ito, ANG BABANGGA AY GIBA!
Ganun daw kalakas kung tuluyan nang magsasama sina BBM at Inday Sara.
Kundi man natuloy ang BBM-Rody Duterte tandem na inaasahan dati, ngayon ay muling umaasa ang mga Pilipino sa buong mundo na matutuloy na ang BBM-Inday Sara tandem.
Magiging katunggali ng BBM-Inday Sara tandem ang tambalang Panfilo Lacson-Tito Sotto; Manny Pacquiao-Lito Atienza; Leni Robredo-Kiko Pangilinan; at Isko Moreno-Dr. Willie Ong.
Hindi naman ikinukunsiderang kalaban ng BBM-Inday Sara ang Bato Dela Rosa-Lawrence “Bong” Go tandem.
Nauna nang nagsalita si Bato dela Rosa na kung matutuloy sa pagtakbo si Inday Sara sa national position ay maaari siyang umatras anumang oras sa kanyang pagtakbo.
Naging emosyunal naman si Sen. Bong Go sa kanyang pananalita sa isang pagtitipon na kung tatakbo si Inday Sara ay maaari din siyang umatras para pagbigyan ang nag-iisang anak na babae ni Pangulong Duterte.
Pakiusap lang ni Go na kung sino man daw ang mananalong presidente at bise presidente sa susunod na taon ay ituloy ang Malasakit Project niya dahil nakatutulong ito sa mga ordinaryong mamamayan.
Apat na araw na lang mula ngayon (Nov. 11) bago ang itinakdang Nov. 15 substitution deadline ng mga kandidato ay marami pa ang maaaring magbago sa usapin ng mga tambalan.
Bagama’t wala pang malinaw na matutuloy na nga ang tambalang BBM-Inday Sara ay maaari pa itong magbago hangga’t hindi pa sumasapit ang Nov. 15 substitutions deadline.
Maaari pa ring tumakbong presidente si Inday-Sara at magiging ka-tandem niya si Bong Go.
Si Go ay official candidate ng PDP Laban, samantala si Inday Sara ay nasa ilalim ng Hugpong ng Pagbabago na binuo niyang local party.
Kung tatakbo mang president o vice president si Inday Sara ay kailangan muna niyang sumapi sa national party bago siya sumabak sa national positions.
Ganun paman abangan na lang natin ang mga susunod na pangyayari.
Abot kamay na ang Malakanyang para kay BBM.
‘Di ba mga ka-BBM?
Ano na naman kaya ang susunod na ibabato ng kampo ng mga pinklawan laban kay BBM? Galawang desperado at desperada na ang kanilang paninira laban kay BBM.
oOo
Para sa suhestiyon at reaksyon, mag-email sa joel2amongo@yahoo.com at mag-text sa cell# 0919-259-59-07.
203 