LAGUNA – Dalawang araw nang COVID-free ang bayan ng Alaminos matapos na wala nang naitalang aktibong kaso roon.
Ito ay dahil sa aktibong pagtutulungan ng lokal na pamahalaan ng Alaminos at Rural Health Unit na closely monitoring sa sakit na COVID-19 sa bawat barangay.
Nauna rito, inihayag ni Mayor Ruben Alvarez noong araw ng Martes sa FB Page na “zero” o wala nang kaso ng COVID-19 sa kanilang bayan.
Ngunit patuloy pa rin aniya ang kanyang paghihikayat sa mamamayan na sumunod sa lahat ng itinalagang public health standards upang mapanatiling COVID-Free status ang bawat barangay.
Sa pinakahuling talaan na kanilang inilabas noong Nobyembre 10, naitala sa zero ang active cases, zero casualty, habang 1,377 ang mga nakarekober. (CYRILL QUILO)
176 