HVT NABITAG NG PDEA, PNP-PRO5

“WE just cannot afford to jeopardize our people by being laxed in our implementation of drug operations.”

Ito ang inihayag ni PNP-Police Regional Office 5 Director P/BGen.

Jonnel C. Estomo matapos madakip ng kanyang mga tauhan ang isang high value target individual na kasama sa talaan ng Regional Recalibrated Database on Illegal Drugs, sa inilatag na anti-narcotics operation ng PNP Bicol sa Brgy. Calatagan Tibang, Virac, Catanduanes.

Ayon sa isinumiteng ulat ng Catanduanes Provincial Police Office (CAT PPO), nahuli sa inilunsad na law enforcement operation, katuwang ang mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), ang kanilang target na kinilalang si Jose Panti San Andres Jr., 40, residente ng nasabing lugar.

Nakumpiska sa suspek ang tinatayang 50 gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang P340,000 ang halaga.

Batay sa rekord ng PNP Bicol, ang naturang suspek ay una nang sumuko noong kasagsagan ng Oplan Tokhang ngunit imbes na tuluyang magbago ipinagpatuloy pa rin nito ang pagtutulak ng ipinagbabawal na gamot.

Umamin umano si San Andres na siya ay may ugnayan sa iba pang street level individual (SLI) at high-value individual (HVI) na sangkot sa

talamak na bentahan ng ilegal na droga sa probinsya.

Ang suspek na nasa kustodiya na ng Virac MPS ay nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. (JESSE KABEL)

187

Related posts

Leave a Comment