PDP NAGPAHAYAG NG SUPORTA KAY GO

BAGAMAN sa ilalim ng Pederalismo ng Dugong Dakilang Samahan (PDDS) Party tatakbo si Sen. Bong Go bilang Pangulo para sa 2022 national election ay siya pa rin ang inendorso bilang Presidential candidate ng PDP-LABAN matapos iatras ni Sen. Bato Dela Rosa ang kanyang kandidatura noong Sabado ng hapon.

Ayon sa opisyal na pahayag ng partido, “bitbit ni Senador Go ang malawak na kaalaman sa pamamahala dahil natutunan niya ito kay Pangulong Rodrigo Duterte at tanging siya lang tiyak na makapagpapatuloy ng mga proyekto at plano ng Pangulo”.

Sinasabing nagustuhan din ng Partido ang pagiging malapit ng Senador sa mga ordinaryong Pilipino lalong-lalo na ang mahihirap, patunay rito ang pagtatatag niya ng mga Malasakit Center nationwide.

“Inaasahan din na si Senador Go lang ang makapagpapatuloy ng build build program ng Pangulong Duterte,” anang isang opisyal ng PDP-LABAN.

Sinabi pa ng opisyal na tanging si Senador Go ang masipag at totoo sa kanyang kasabihan na “Bisyo ay magserbisyo”. (CHRISTIAN DALE)

180

Related posts

Leave a Comment