WAGI si Filipino tennis player Francis Casey Alcantara at British partner Mark Whitehouse sa men’s doubles event ng M25 Harlingen sa Texas, USA.
Nakopo nina third seed Alcantara at Whitehouse ang kampeonato makaraang maungusan via three-sets (3-6, 6-3, 10-5) ang top seed duo nina Luke Johnson ng Great Britain at American Toby Kodat sa doubles’ finals noong Linggo.
Ang 29-anyos Pinoy veteran netter ay gold medallist sa nakaraang 30th Southeast Asian Games noong 2019 na ginanap sa bansa.
Kamakailan lang ay nagkampeon din siya sa men’s double ng M25 Calabasas sa California kasama si Filipino-American Raymond Sarmiento.
Sunod na papalo si Alcantara sa qualifying round ng men’s singles event ng M25 Austin tourney. (ANN ENCARNACION)
195 