HUMIGIT pa sa target para sa buwan ng Oktubre ang naitala ng tanggapan ng Bureau of Customs (BOC) sa San Fernando, lalawigan ng La Union.
Sa tala ng BOC-Port of San Fernando, pumalo sa P499.3 milyon ang pumasok na kita ng nasabing tanggapan — higit na mataas kesa sa itinakdang target para sa nasabing buwan.
Lumalabas sa kwenta ng kawanihang mas mataas ng P20.55 milyon o katumbas na 4.29% increase ang actual collection, bagay na bunga umano ng sigasig at katapatan ng mga kawani ng naturang tanggapan.
Ang Port of San Fernando ay isa sa 17 collection districts na masigasig na nag-aambag sa hangaring masapul ang target na kita ng BOC.
Sa tala ng Department of Finance (DOF), siyam na dikit na buwan ng naaabot ng Port of San Fernando ang takdang target sa koleksyong mula sa taripa at buwis ng mga pumapasok at lumalabas na kalakal sa nasabing pasilidad.
208 