“GOOD” ang estado ng suplay ng COVID-19 vaccines sa bansa base sa paglalarawan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte.
Ganunpaman, hindi pa rin maituturing na may sapat nang suplay ng naturang bakuna ang Pilipinas.
“Medyo okay na tayo sa supply. We’re good pero hindi pa — hindi pa sapat talaga na… Pero mayroon na tayo,” ani Pangulong Duterte.
“And if I can have the cooperation of all Filipinos, medyo gaganda talaga ang takbo ng ating bayan,” dagdag na pahayag nito.
Para sa Pangulo, ito aniya ang susi para gumanda ang takbo ng bayan at matamo ang maganda-gandang Kapaskuhan ngayong 2021.
“And hopefully by Christmas, there will be a — at least we target the — the minimal kung mayroon man sa spread ng virus dito sa ating bayan,” aniya pa rin.
Samantala, sa datos na ipinakita ni vaccine czar Carlito Galvez Jr. kay Pangulong Duterte, nasa higit 123 milyong doses na ng bakuna ang nakarating sa bansa “as of November 8.” (CHRISTIAN DALE)
168 