UPANG masiguro na ang national government agencies (NGAs) at local government units (LGUs) ay nagbibigay ng satisfactory services sa publiko, isang bagong client feedback survey ang isasagawa para hayaan ang publiko na i-rate ang serbisyo ng mga tanggapan ng gobyerno.
Sinabi ng Presidential Communications Operations Office (PCOO) Global Media Affairs na ang bagong mekanismo na ito ay isasama sa Report Card Survey (RCS), na magiging batayan ng performance-based bonus (PBB) ng partikular na ahensiya.
Inilunsad ng Anti-Red Tape Authority (ARTA) noong nakaraang linggo ang RCS 2.0 na magsisilbing sukatan ng epektibong implementasyon ng Citizen’s Charter ng isang ahensiya.
Bahagi ng RCS ay ang Client Satisfaction Measure (CSM) na siyang kukuha ng feedback mula sa publiko ukol sa kanilang naging karanasan sa naging transaksyon sa mga tanggapan ng gobyerno. (CHRISTIAN DALE)
176 