TAWID COVID BIGYAN NG SUPORTA AT DIIN

NAGING magandang balita nang ianunsyo ng Department of Health ang patuloy na pagbaba ng mga bagong kaso ng COVID-19, lalo pa at nalalapit na ang araw ng Pasko. Para bang nagbibigay na ito ng kasagutan sa halos dalawang taon nating katanungang, “kailan ba ito matatapos?”

Noong Sabado, Nobyembre 20, naitala ang pang-limang sunod na araw na ang mga bagong kaso ay hindi na lumalampas sa 1,500. Ayon din sa DOH, ang positivity rate ay nasa 3.2 porsyento na lamang, kumpara sa benchmark ng World Health Organization na 5 porsyento.

Dahil sa patuloy na pagbaba ng mga kaso, nais na ng ­gobyernong mas paluwagin pa ang restriction sa mga lugar ­kalakip nang pagpapabilis sa vaccination effort upang masuportahan ang pagbangon ng ekonomiya. Ang mga menor de edad na may gulang na 12 hanggang 17 taon ay sinimulan na ring bakunahan.

Subalit dahil sa pagbaba ng gobyerno ng restriksyon sa Alert Level 2, naging kapansin-pansin ang pagiging kampante ng mga indibidwal. Isang halimbawa ang pagdagsa ng mga tao sa mga pasyalan at pampublikong lugar. Sa mga ulat at larawan sa social media, halos hindi na rin inoobserba ang social distancing.

Kung ating matatandaan, noong nakaraang buwan nang niluwagan ng gobyerno ang quarantine restriction ng Metro Manila sa General Community Quarantine (GCQ), naranasan natin ang paglobo ng kaso ng COVID-19. Nawa’y maging paalala ito sa bawat Pilipino upang huwag munang maging kampante sa kabila ng patuloy na pagbaba ng mga bagong kaso.

Hangga’t hindi pa bakunado ang nakararami, sana ay ipagpatuloy pa natin ang pag-iingat at pag-obserba sa mga minimum protocol gaya ng social distancing, paghuhugas ng kamay, paggamit ng alcohol, at pagsusuot ng face mask.

Bilang pasasalamat na rin sa ating mga medical frontliner sa kanilang dalawang taong paghihirap at pagtulong sa pagpuksa ng pandemyang ito, isinusulong ni presidential aspirant at dating Senador Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. o BBM, ang programang “Tawid COVID, Beyond COVID”.

Sa pamamagitan nito, layon ni BBM na itulak ang mas mataas na healthcare budget, sweldo, at benepisyo para sa mga medical worker.

Isa sa mga nais isulong sa ilalim ng programang ito ay ang higit pang suporta sa medical research upang mas mapabilis ang pagpuksa sa pandemyang dulot ng COVID-19 at marahil sa iba pang mga kakaharapin ng bansa na mga crisis pangkalusugan.

Matagal na panahon nang dapat nabigyang pansin ang ­ating medical at health workers, ngunit hanggang ngayon, ay ‘di pa rin sila nabibigyan ng sapat na mga benepisyo at sahod. Bilang pasasalamat sa nagawa nila sa ating bayan, nararapat lamang na pagtulungan natin itong isulong upang mapabuti ang kalagayan ng lahat ng health workers lalo na ang mga nasa frontline ng government service sa bansa upang magampanan nila nang ­mahusay at buong dedikasyon ang kanilang sinumpaang tungkulin.

There have been a lot of missed opportunities but there is still a chance to do something right because we already know what the problem is.

We know where we are weak, and we should build up our research facilities. That is so important because at that time, we did not have to deal with COVID, or this pandemic. Now that we are faced with it, this is a reminder for us to do it now,” ayon kay BBM.

Dagdag pa ni BBM, kailangan ding palakasin ang University of the Philippines Institute of Molecular Biology and ­Biotechnology (BIOTECH) para makagawa ang pamahalaan ng sariling bakuna.

“We produced our own flu vaccines before at the University of the Philippines Los Baños and we were able to vaccinate 60 percent of the population. We can do it, but we really need to strengthen and enhance the system,” ani BBM.

178

Related posts

Leave a Comment