CONG. EDDIE VILLANUEVA, ANTI-SABONG, ANTI-POOR

TOTOONG sa ilang lugar sa mundo, ang sabong ay ­idinadaos bilang isang malaking palarong pagtitipon.

Sa ibang lugar naman, ginagabayan ng mga batas o ipinagbabawal.

Pero kakaunti lamang sila.Libangan na lang kasi ang sabong ng mga Pinoy at iba pang lahi sa mundo.

Sa ilang mga nagsusulong sa makalumang mga palaro, ang pagpapairal ng sabong ay sa mga kadahilanang kultural at panrelihiyon nito.

Kumokontra naman si House Deputy Speaker at CIBAC Rep. Bro. Eddie Villa­nueva sa e-sabong.

Sabi ni Villanueva, apat na kaso na raw ng suicide sa Bocaue, Bulacan at Floridablanca, Pampanga ang naitala na may kaugnayan sa online gambling.

Mayroon din daw pulis na nangholdap sa mga remittance company sa Bulacan at Nueva Ecija matapos na malulong sa e-sabong.

Nabanggit din na may isang honor student ang hindi na rin daw pumapasok sa paaralan dahil sa online ­gambling.

Ang masaklap pa, natuto pa raw na nakawan ng pera ang kanyang mga magulang.

Menor de edad daw ang estudyante pero nakakapag-e-sabong.

Well, hindi nga lang ­malinaw kung ang sinasabi ni Villanueva ay kumpirmado.

Pinuntahan ba niya ang mga pinangyarihang lugar at inalam kung dahil nga ba sa sabong ang dahilan?

Baka naman nanghuhula lang si Cong. Villanueva? Kung minsan kasi ay sumasablay ang hula.

Minsan nga nang tumakbo itong si Villanueva noon sa pagka-presidente, tinuran niya na ang “Diyos” daw ang ­nagsabi sa kanya na ­nakatadhana siyang maging pangulo.

Kaya marami tuloy ang naniniwala raw na ang mga sinabi ni Villanueva ukol sa sabong ay imbento lamang.

Dahil tulad ng sinabi raw niya dati na mananalo siya ay hindi rin naman ito nangyari.

Haist. Kaya sino pa raw ngayon ang maniniwala sa kanya? At sino raw kaya ang tinukoy niya noon na “Diyos” na nagsabing magiging presidente siya?

Maaaring guni-guni lang daw at maging ang sinasabi niyang problema ng mga Pinoy dahil sa e-sabong?

Marami pa tayong isisiwalat sa mga susunod na labas.

Abangan!

184

Related posts

Leave a Comment