SWAK sa hoyo ang dalawang lalaki makaraang makumpiskahan ng halos P.2 milyong halaga ng umano’y shabu sa buy-bust operation sa Caloocan City.
Ibinalibag sa selda ang mga suspek na sina Joseph Alvir 42, jeepney driver, at Alberto Bautista, 57, construction worker, kapwa ng Caloocan City.
Natiklo ang dalawa sa Salmon St., Brgy. 8, Caloocan City dakong 3:45 ng madaling araw noong Nobyembre 20.
Umabot sa 25 gramo ng shabu na may presyong P170, 000, ang nakumpiska sa dalawa na idineretso sa presinto. (ALAIN AJERO)
144
