CAYETANO MASAMA PA NGA BA ANG LOOB SA MGA KAPWA KONGRESISTA?

MUKHANG matindi ang galit ni dating House Speaker Alan Peter Cayetano sa mga botante at mahihirap na mamamayan.

Kaya malamang kapag tumakbong muli ito sa pagka-senador, sa basurahan ito pupulutin.

Pati kasi ang simpleng hanapbuhay, libangan, at pinagkakakitaan nila ay pinapaki-alaman na ni Cayetano.

Si Cayetano kasi ang lantarang kumokontra sa e-sabong o online sabong.

Pinuri pa niya si presidential aspirant Senator Panfilo Lacson sa pagtindig daw nito laban sa illegal gambling.

Isa pa itong si Lacson na matagal na sa Senado at naging hepe na ng Phil. National Police (PNP), aba’y hindi man lamang nasawata ang illegal sabong noong araw.

Ngayon na may legal nang sabong at nakapagbibigay na ng pondo sa kaban ng bayan, kinokontra naman nila.

Una nang sinabi ni Lacson na kontra siya sa e-sabong at iba pang uri ng online gambling dahil winawasak daw nito ang pamilya.

Kung matatandaan, inaprubahan ng House Committee on Ways and Means ang House Bill No. 10204 na nagbibigay sa Visayas Cockers Club, Inc. ng 25-taong prangkisa para makapaglatag ng off-site betting stations sa iba’t ibang panig ng bansa.

Sakaling lumusot sa third at final reading, ang Visayas Cockers ang pangalawang e-sabong operator na mabibigyan ng lisensya kasunod ng Lucky 8 Star Quest, Inc. na naaprubahan naman noong Setyembre.

Nanawagan si Cayetano sa Department of Education (DepEd), Commission on Higher Education (CHED), at iba pang state-run schools na tutulan ang e-sabong at online gambling.

Sa pagkakalusot daw sa aplikasyon ng e-sabong operators, nanganganib na mabalam ang layuning maibalik ang “good manners and right conduct” o GMRC sa mga paaralan.

Naku, malamang ay hindi lang daw kursunada ni Cayetano o kayang suportahan ang mga mambabatas na nagpalusot sa panukala.

Tsaka, masama pa rin daw yata ang loob niya sa mga ­kapwa niya kongresista na nagpatalsik sa kanya bilang house speaker.

Bitter pa rin daw si ­Ca­yetano.

Aba, aba, aba!

Ganyan nakikita ng iba ang motibo ni Cayetano kung bakit ayaw niyang tantanan ang e-sabong.

Abangan ang susunod na kabanata.

164

Related posts

Leave a Comment