KUNTENTO SA SEGUNDA

SA itinatakbo ng mga kaganapang may kaugnayan sa 2022 presidential derby, hindi sapat na salita ang liyamado para ilarawan ang pambato ng Partido Federal ng Pilipinas, sa patuloy nitong pamamayagpag sa political surveys ng iba’t ibang grupo.

Ang totoo, pinilit baluktutin ng iba pang presidentiables ang pangunguna ni dating senador Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., kaya naman sila mismo ay kumontrata – at nagbayad ng iba pang grupong pwedeng magsagawa ng presidential survey sa hangaring sila naman ang bumida.

Posible ba ‘yun? Ang sagot – oo naman, lalo na’t kung ang respondents ay magmumula sa lokalidad kung saan sila nagmula o sa mga lugar na pinaniniwalaang balwarte nila.

Ang siste, maging sa kanilang mga lugar, lumamang pa rin si Marcos sa iba pang puntirya ang Palasyo.

Sa National Capital Region (NCR) na ipinagmamalaking balwarte ni Isko Moreno, namayagpag si Marcos. Gayundin sa ­Bicolandia kung saan nagmula si Vice-­President Leni Robredo.

Ang nakatatawa, tila kuntento na sina Leni at Isko na pumangalawa man lang sa kanilang mga sariling pa-survey batay sa mga post ng kanilang makinarya sa social media.

Ayon sa isang media operator ni Isko – “statistically tied” (halos tumabla) ang kanilang pambato kay Marcos. Ayon naman sa mga Kakampinks, magandang senyales ang pag-angat ni Robredo sa ikalawang pwesto.

Susmaryosep!

Hindi beauty pageant ang halalan. Walang second prize o pakunswelo man lang para sa mga runner-up. Ang Palasyo ay para lamang sa isang Pangulo.

Isa lang ang malinaw, milya-milya ang distansya ni Marcos sa mga kapwa aspirante sa posisyon ng pangulo. Pagsamahin pa ang nakuhang numero ng iba pang presidentiables, hindi pa rin sasapat para itaob ang anak ng Ilocandia.

225

Related posts

Leave a Comment