COMELEC MAY MAFIA?

IBINULGAR ni Ret. Lt. General Antonio Parlade, Jr. na may mga dating kandidato ang nagbayad ng bilyun-bilyong piso sa Commission on Elections (Comelec) para tiyakin ang kanilang pagkapanalo sa kanilang tinatakbuhang posisyon.

Ito ang statement ni Parlade na inilabas ng SMNI News Channel noong Disyembre 10, 2021: ‘What we know is that certain candidates in previous elections paid billions of pesos in order to ensure their victory. Some paid hefty sums in order for them to have their party get accredited. Still, some have to pay the Comelec officials in order for their electoral protests to be resolved, In all of these issues, money changed hands. And one of these days I will write about my personal experience with our party, the KDP.’

Ang ganitong isyu ay hindi dapat pinaliligtas, tiyakin ng mga awtoridad na maparusahan ang gumagawa nito.

Sa pagbubulgar na ito ni Parlade laban sa Comelec officials, ang nasa likod ng bayaran para manalo ang mga kandidatong nagbayad sa kanila ng malaking halaga, ay dapat pinakamabigat na parusa ang ipataw sa kanila.

Hindi sapat ang pagkakakulong lang, bitay ang ipataw sa kanila. Salot sila sa taumbayan!

O kaya ang parusa sa kanila ay batuhin ng taumbayan hanggang malagutan sila ng hininga, tulad ng ginagawa ng mga taga-Israel sa nagkakasala sa kanila.

Hindi ordinaryong korapsyon ang kanilang ginagawa, kundi inaalisan nila ng karapatan ang taumbayan na pumili ng kandidato na kanilang gusto.

Kung ganito ang kalakaran, malinaw na wala ngang mananalong kandidatong walang pera.

Ang pagbubulgar na ito ni Parlade ay hindi dapat balewalain ng mga awtoridad dahil isa itong pagpapahirap sa taumbayan.

Kung gumagastos nang malaki ang kandidato sa pagbayad ng bilyun-bilyong piso sa ilang tiwaling opisyal ng Comelec ay malinaw na kapag nanalo siya sa posisyon ay magiging magnanakaw siyang opisyal ng gobyerno.

Ang malaki niyang ginastos sa pagtakbo ay babawiin niya sa kanyang gagawing mga proyekto.

Kaya hindi nakapagtataka na ang mga kalsada, imprastraktura at iba pang mga proyekto ng gobyerno ay madaling nasisira dahil mahinang klase ang pagkakagawa nito.

Hindi lang sana matapos sa pagbubulgar ni Parlade laban sa tiwaling mga opisyal ng Comelec kundi tiyakin niyang may maparurusahan sa mga ito.

Tutal sinabi niyang may personal siyang experience sa mga ito na may kinalaman sa kanilang partido na KDP.

Kung talagang may malasakit ka Ret. Lt. General Parlade, sa taumbayan ay siguraduhin mong may maparurusahan sa kanila.

Marami na ring nagsumbong sa PUNA na may mga tao na nag-iikot sa mga politiko para manghingi ng malaking pera kapalit ang pagkapanalo nila.

Kailangan maibalik na rin sa bansa si Ex-Comelec Chairman Andres Bautista para pagpaliwanagin siya kung saan galing ang kanyang yaman.

May warrant of arrest laban sa kanya na inilabas ng gobyerno at dalawang taon na siyang nagtatago sa ibang bansa (US).

Sinikap ng PUNA na makuha ang panig ng Comelec sa isyung ito, subalit wala tayong makontak sa kanila.

oOo

Para sa suhestiyon at reaksyon, mag-email sa joel2amongo@yahoo.com o mag-text sa cell# 0919-259-59-07.

188

Related posts

Leave a Comment