“SANA” SA 2022

SA Sabado, Enero 1, 2022 na at hindi lang ako kundi ang mga kaibigan, mga kaanak, kasama sa trabaho ang maraming “sana” at hiling na ­positibong ­mang-yayari sa bagong taon. Ako hindi nawawalan ng pag-asa.

Halos lahat yata tayo ay dumaan sa matinding pagsubok sa buhay. May mga mahal tayo sa buhay ang tinamaan ng COVID-19 at pasalamat tayo dahil nalusutan ang mga pagsubok na ‘yun.

Siguradong marami rin sa atin ang may mga kaanak na namatay sa COVID-19 lalo na ‘yung mga matatanda at may sakit, mga kaibigan at mga kakilala at wala tayong nagawa kundi makiramay sa online at isama sila sa ating panalangin.

Tayong mga buhay pa at patuloy na nakikibaka sa buhay ay marami rin tayong dapat ipagpasalamat sa Diyos dahil prinotektahan niya tayo at pinatatag sa mga pagsubok.

Pero tulad ng sabi ko, maraming “sana” ang mga tao ngayong bagong taon tulad ng “sana tuluyan nang mawala ang COVID-19”, “Sana makabalik na sa normal ang lahat”.

“Sana wala nang magkakasakit”, “sana normal na ang takbo ng mga negosyo”, “sana makabalik na ang lahat sa trabaho”, “sana makabalik na ang mga estudyante sa kanilang silid aralan”.

Napakaraming “sana” ang idinadalangin ng mga tao sa bagong taon, hindi lang para sa kanilang sarili kundi sa ating bayan na talagang inilugmok ng ­pandemya sa halos dalawang taon.

Nalubog tayo sa utang dahil sa pandemya, nalugmok ang ating ekonomiya at ‘yung mga pondo para sa pag-unlad sana ay na-divert sa pagtugon sa pandemya na hindi pinigilan ng China na kumalat sa buong mundo.

Trilyong piso ang ­nadagdag sa ating utang dahil sa pandemya kaya ‘yung mga susunod na henerasyon, kahit ang mga ipapanganak pa lamang ay magbabayad sa mga utang na ito.

Naging ugat din ang ­pandemya sa pagsasaman­tala ng ilang tiwaling opisyales ng gobyerno at pribadong sektor tulad ng Pharmally dahil imbes na gamitin ang pondo para mailigtas ang buhay ng mga Filipino, pinagkakitaan pa nila ito. Bahala na si Lord sa kanila.

Kaya sana, maglaho na ang pandemyang ito nang tuluyan. Sana wala nang variant na mas matindi pa sa Delta at Omicron ang lulutang at sana ‘yung mga itinuturok sa atin na vaccines ay talagang epektibo.

Pero walang imposible sa Dasal. Kailangan lang nating magtiwala at kumapit nang husto sa kanya at ‘yung “sana” nating lahat ay ­matutupad. Dasal lang! Huwag tayong mawalan ng pag-asa.

Happy New Year po sa lahat.

221

Related posts

Leave a Comment