KONGRESO AT SENADO PINASALAMATAN SA PAGPASA SA DMW

PINASALAMATAN ni Senador Bong Go ang mga kasamahan sa Kongreso at Senado dahil sa pag-apruba nila ng kanyang panukalang batas sa pagtatatag ng isang ahensya na para lamang sa overseas Filipino workers (OFW).

Pinirmahan kamakailan ni Pangulong Duterte ang Republic Act 11641 na nagtatatag ng Department of Migrant Workers (DMW).

“Nais kong pasalamatan ang aking mga kasamahan sa dalawang Kongreso dahil kaisa nila ako sa pananaw na kailangan na talaga ng bansa ng ahensya na tututok sa mga kailangan at problema ng ating mga OFW,” ayon kay Sen. Bong Go sa isang interview.

Dagdag pa ni Sen. Go, “ito ang naipangako namin ng pangulo sa mga OFW noon na isang ahensya na para lang sa kanila na tutugon sa kanilang pangangailangan 24/7 saan man sila sa mundo”.

Ang DMW ay may 24/7 emergency response and action center para tumugon sa distressed OFW saan man sa mundo.

May monitoring unit din ito ng lahat ng media at social media para mamonitor ang mga report o post hinggil sa isa o grupo ng mga OFW, kasama na ang mga seaman, na kailangan ng agarang tulong at aksyon.

Ilalagay na sa ilalim ng pamamahala ng DMW ang POEA ng DOLE, Migrant Workers Affairs ng DFA, Philippine Overseas Labor Office (POLO) sa iba’t ibang embahada at iba pang mga ahensya na may kinalaman sa deployment at repatriation ng mga OFW at seaman. (CHRISTIAN DALE)

267

Related posts

Leave a Comment