IPINAGTANGGOL ng actress na si Gretchen Barretto at ng Pitmaster Foundation si Charlie “Atong” Ang, hinggil sa kumakalat na paninira at fake news sa social media laban sa negosyante.
Sa isang interview, sinabi ni Gretchen Barretto, na hindi nakikialam sa pulitika si Ang.
Ayon sa actress, “fake news ang ipinapakalat ng mga kalaban sa negosyo ni Ang ang mga naglabasan kamakailan sa social media hinggil sa isang post na may larawan ni Ang na nagsasabing: “May tsansa ka pang manalo sa online sabong kesa itaya mo ang kinabukasan mo kay Bongbong Marcos. Pinaglololoko lang kayo ng BBM na yan”.
Sinabi naman ni Pitmaster Foundation Executive Director Atty. Caroline Cruz, “alam naman natin na malaki ang mawawala sa isang negosyo o negosyante kapag nakialam ito sa pulitika o may kakampihan ito”.
Sinabi ni Atty. Cruz, kapag negosyante ka, dapat kaibigan mo lahat at sumusunod ka sa batas at kalakaran.
Ang Pitmaster Foundation ay ang charitable arm ng Pitmaster Live na pag-aari ni Ang.
Una rito ay mariin na ring itinanggi ni Ang ang lumabas na fake news at sinabing isang may-ari ng online sabong na isang gambling lord ang nasa likod at nagpakalat ng naturang fake news.
ITO ang photo at fake news tungkol sa sinabi umano ng negosyanteng si Charlie “Atong” Ang na sinasabing ipinakalat ng kanyang kalaban sa negosyo.
411 
