SUNS MULING SUMIKAT

Ni VT ROMANO

MULING sinikatan ng araw ang Phoenix nang itala ang 133-99 paglampaso sa host Charlotte Hornets, Linggo ng gabi (Lunes sa Manila).

Umiskor si Devin Booker ng 24 points para ibalik sa winning track ang Suns, matapos matalo ng tatlo sa apat nitong laro at malaglag sa top spot ng Western Conference. Biyernes ng gabi, pinasadsad din sila ng Boston Celtics, 123-108 sa simula ng three-game road swing.

Tumulong kay Booker si Jalen Smith, 19 points, habang si reserve Landry Shamet ay nagdagdag ng 17 points at 15 mula kay Mikal Bridges. Sina Cameron Johnson at Cameron Payne, may tig-14 points.

Si ex-Hornet Bismark Biyombo naman ay nagsumite ng 11 points at six rebounds, habang si Chris Paul, 16 assists, seven points at six rebounds sa kanyang pagbabalik sa home state.

Kasunod ng dunk ni Shamet, lumamang ang Suns ng 43 points, 119-76, 9:37 sa laro.

Wala sa lineup ng Phoenix team sia Deandre Ayton, JaVale McGee at Jae Crowder sanhi ng COVID-19 protocol, gayundin si head coach Monty Williams, habang si Abdel Nader ay injured (knee).

Hindi pa rin nakakalaro sa Hornets si forward PJ Washington (COVID protocols).

Nanguna si LaMelo Ball, 17 points, nagdagdag si Kelly Oubre Jr. ng 15 at Ish Smith, 11 para sa Charlotte, na naputol ang three-game winning run. Nag-ambag naman si Miles Bridges, absent ng dalawang laro sanhi ng COVID protocol, nang 10 points.

May 9 of 35 (25.7%) sa ­3-pointers ang Charlotte. Mayroon ding 18 turnovers.

Nagsalaksak si Shamet ng limang 3-pointers sa Suns, habang sina Booker, Johnson at Bridges ay nakapag-ambag ng tatlo.

Si Booker ay may 20 points sa halftime kung saan abante ang Suns, 73-47. At bagama’t two points lang si Paul, malaking bagay naman ang kanyang 10 assists sa nasabing period.

Mula sa dikitang 38-34 second quarter score, umalagwa ang Suns. Umiskor si Smith ng five points sa 10-0 run.

Tumapos din ang Phoenix na may 52-35 rebounding edge.

Tinalo na rin ng Suns ang Hornets, 137-106 nitong Disyembre sa Phoenix.

FOX NAKAISA
SA HEAT

WALANG iskor si De’Aaron Fox sa first quarter, pero ang kanyang dalawang go-ahead free throws sa huling 6.2 seconds ang pinakamalaking iskor niya, nang maitakas ng host Sacramento Kings ang 115-113 win kontra Miami Heat, Linggo ng gabi (Lunes sa Manila).

Sa huling posesyon, nag-drive si Miami’s Jimmy Buttler sa lane, subalit ang kanyang turnaround jumper ay tumalbog sa rim sabay sa pagkaubos ng oras at naputol ang five-game win streak ng Heat.

Nagtapos si Fox na may total 24 points sa ikatlong panalo ng Kings sa apat na laro. Una sa puntusan si Buddy Hield para sa ­Sacramento, game-high 26 points, 7 of 14 3 pointers.

Nagtala naman si Omer Yurtseven ng career-best 22 points at career-high at game-high 16 rebounds sa Miami. Si Tyler Herro, scoreless din sa first quarter, ay nagsumite ng 22 points. Habang may 21 points si Butler, at si Lyle Lowry, 14 points at game-high-tying 12 assists.

Ang Miami ay lumarong kulang ng 11 players, ang iba’y injured o ‘di kaya’y nasa COVID protocols.

Habang sa panig ng Kings, tanging si center Richaun Holmes ang nasa protocols.

Sa pagkawala ni Holmes, naka-first start sa season si Damian Jones at umiskor ng 18 points at team-high 10 rebounds. Habang si Tyrese Haliburton ay nakatulong ng 12 assists at nine points.

Lumamang ang Sacramento hanggang 11 points sa first quarter, tangan ang 26-18 advantage sa pagsasara ng nasabing period. Nakapagtala rin ng 52.6% shooting kasama ang 4 for 7 3-pointers.

Habang ang Miami ay 32.0% lang sa floor, at 1 for-9 sa 3-pointers.

May pagkakataong nagtabla ang iskor, 40-40, pero tinapos ng Sacramento ang first half tangan ang 61-57 lead.

Una si Jones sa first-half ­scorers sa inilistang 14 points.

Pitong beses nag-seesaw ang iskor at tatlong tablahan sa third quarter, at natapos din sa 90-all, kung saan si Herro ay nagawang maitala ang kanyang ikalawang sunod na 10-point quarter.

Angat ang Miami, 99-92, 9:52 sa fourth, nang kumamada ang Kings ng 14-4 run.

Muling naghabol ang Miami 113-109, nang maipasa ni Butler ang bola para sa jumper ni Yurtseven at sinundan ng driving bucket off the glass para itabla ang iskor, 27 segundo na lang.

Dito na umeksena si Fox, nang mag-drive sa lane at makakuha ng foul kay Herro.

Sa kabuuan, ang Sacramento ay may 51.3% , kasama ang 13 of 34 3-pointers.

Lamang ang Miami sa offensive rebounds, 18-7, pero mayroon lamang 43.8% shooting, kabilang ang 9 for 33 sa 3-pointers.

Samantala, tinalo ng Cleveland Cavaliers ang Indiana Pacers, 108-104. Nagwagi rin ang Boston Celtics kontra Orlando Magic, 116-111, habang nagtala ang Dallas Mavericks ng 95-86 win laban sa Oklahoma City Thunder.

Umiskor naman ang Toronto Raptors ng 120-105 win kontra New York at rumesbak ang Los Angeles Lakers sa Minnesota Timberwolves, 108-103.

158

Related posts

Leave a Comment