MENOR DE EDAD,3 PA BINITBIT SA TUPADA

CAVITE – Binitbit ng mga tauhan ng Cavite Police ang isang 16-anyos na menor de edad at tatlong iba pa habang nagsasagawa ng tupada sa bayan ng Naic sa lalawigang ito, noong Linggo ng hapon.

Kinilala ang mga arestado na sina alyas JR, 16-anyos; Sofronio Guardiano, 48; Renato Escarlan, 49, at Kint Ramos, 56, pawang mga residente ng Balsahan, Naic, Cavite.

Ayon sa ulat ni Corporal Ronald Abalos ng Naic Police, ala-1:30 ng hapon nang magsagawa ng anti-illegal gambling operation ang mga operatiba ng Naic MPS sa Sitio Ilaya, Brgy. Timalan, Balsahan sa Naic kung saan naaktuhan ang apat habang nagsasagawa ng tupada.

Nakumpiska sa mga suspek ang dalawang sasabunging manok, dalawang tari at P1,200 halaga ng pusta. (SIGFRED ADSUARA)

170

Related posts

Leave a Comment