BAKBAKAN SA PIKIT, NORTH COTABATO PINABUBUSISI

ISINUSULONG ni Senador Leila de Lima ang pagbuo ng independent fact-finding committee upang imbestigahan ang joint raid ng pulis at militar sa Pikit, Cotabato.

Ang operasyon ay sinasabing paglabag sa ceasefire protocols na pinagkasunduan ng gobyerno at Moro Islamic Liberation Front (MILF).

Sinabi ni De Lima na kailangang mailabas ang katotohanan sa madugong raid na nagresulta sa pagkamatay ng anim katao sa gitna na rin ng magkakaibang salaysay ng pulis at mga residente sa lugar.

“Imagine, in the wee hours, while the targets and eventual casualties of a bloody show of force were in peaceful slumber, government forces attacked like thieves in the night. The circumstances surrounding the raid should, at the very least, raise suspicion. No color of authority – even warrants supposedly legally issued – should be conveniently used as a license to perpetrate what is being characterized by residents/witnesses as a massacre,” saad ni de Lima.

“Ang mga pahayag na ito ay dapat linawin kasunod ng isang masinsinan at walang kinikilingan na pagsisiyasat ng isang independiyenteng komite o task force sa paghahanap ng katotohanan,” dagdag nito.

Iginiit ng senador na dapat isasaalang-alang kung ano ang maaaring nakataya at dapat na muling isaalang-alang ng gobyerno ang posisyon nito at makinig sa mga testimonya ng mga saksi ng masalimuot na pangyayaring ito.

Iginiit ng senador na maituturing itong breach of the ceasefire protocols sa ilalim ng kasunduan na kinakailangang may koordinasyon sa MILF ang operasyon ng militar sa kanilang nasasakupan.

“Government forces simply cannot barge in and do whatever they want when an Agreement is in place specifically to prevent them from doing that in the first place. Due process has to account for something,” paliwanag nito. (DANG SAMSON-GARCIA)

132

Related posts

Leave a Comment