MATAPOS ang ilang linggong suspense ay pormal nang idineklara nina incumbent Ormoc City Mayor Richard Gomez at asawang si Leyte Rep. Lucy Torres-Gomez (4th District) ang kanilang suporta para kay Partido Federal ng Pilipinas (PFP) standard-bearer Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr.
Sa kanilang Facebook page, sinabi ni Goma, isang award-winning actor na naging public servant, na si Marcos ang sinusuportahan nilang kandidato sa pagka-pangulo sa nalalapit na Halalan 2022.
Isa sa mga dahilan aniya kung bakit si Marcos ang pinagkakatiwalaan nilang maging pangulo ng bansa ay dahil subok na nila ang pagiging sinsero at mabilis niyang pagtulong sa tuwing nagkakaroon ng trahedya at kalamidad sa kanilang probinsya.
“Sa kanilang lahat na tumatakbo, siya lang ang nakatulong sa Ormoc City during disasters and difficult times. Madaling lapitan, madaling kausapin,” ani Goma sa kanyang FB post.
Sa radio interview ni Congw. Lucy Torres noong nakalipas na Disyembre, inilarawan nito kung paano na hindi sila pinabayaan ni Marcos nang malagay sa matinding pagsubok ang kanilang probinsiya, partikular na ang Ormoc City.
“I give you a concrete example, and I don’t know if BBM remembers this, but back when Yolanda happened, he was not part of the administration, but one of the very first to help Ormoc was BBM and his family,” anang maybahay ni Goma.
“And through Irene (Marcos-Araneta), BBM sent Ormoc clean water and a gadget from some foreign company for clean water … going to the different barangays, demonstrating how that is used and then having access to clean water at a very crucial time, that’s one,” sabi pa nito.
Nang salantain naman ng lindol noong 2017 ang Ormoc City, si Marcos din ang unang personalidad na tumulong sa kanilang lungsod.
Ang nakahahanga pa, ayon sa kongresista, noong mga taong iyon ay wala sa puwesto si Marcos dahil katatapos lang noon ng 2016 national elections, pero hindi naging hadlang iyon at buong puso pa rin siyang tumulong.
“If you really look at it, if you look at the dynamics, you had just lost an election. You didn’t make it back in 2016, but you were the first to be on the ground after the earthquake happened,” sabi pa ni Lucy.
Ang pagpapahayag ng suporta para sa kandidatura ni Marcos ngayong 2022 ay inilabas ng mag-asawang Gomez matapos nilang makausap at makaharap ito sa isang restaurant sa Quezon City noong nakalipas na Lunes, Enero 31, 2022.
“I just want to say that more than what you say, more than what the plans are, what the grand plan is, it is really what you do on the battlefield as the battle rages on, the soldiers on the ground are suffering. So, I think that speaks more about a leader than all the nice words or all the nice plans,” sabi pa ng mambabatas.
Ang mag-asawang Goma at Lucy ay nauna ring nagbigay ng suporta kay Marcos noong tumakbo ito, ngunit natalo sa kahina-hinalang paraan bilang bise-presidente ng bansa noong 2016.
200