INMATE SA CALOOCAN JAIL, SINILBIHAN NG ARREST WARRANT

ISANG 43-anyos na lalaki ang sinilbihan ng warrant of arrest ng mga tauhan ng Manila Police District-Binondo Police Station 11, sa Caloocan City Jail, dahil sa kasong “resistance and disobedience to a person in authority or the agent of such person (Art. 151) noong Biyernes ng gabi.

Kinilala ni MPD-District Director, P/Brigadier General Leo “Paco” Francisco ang suspek na si Arren Villareal y Osi, tambay, ng Sampaguita Road, Barangay Malaria, Caloocan City.

Batay sa ulat ni P/Lt. Col. Magno Gallora Jr., commander ng MPD- Station 11, bandang alas-11:50 ng gabi nang magtungo ang kanyang mga tauhan sa pangunguna ni P/Lt. Roderick Tan, hepe ng Warrant Section, katuwang si P/Major Ronillo Aquino ng 4th MFC, Regional Mobile Force Battalion, sa Caloocan City Jail sa panulukan ng Talimusak at Tanigue Street, Kaunlaran Village, Dagat-dagatan, lungsod ng Caloocan, at isinilbi sa suspek ang arrest warrant na inisyu ni Judge Lourdes Grace S. Barrientos-Sasondoncillo ng MTC Branch 85 sa Caloocan City.

Una na umanong nakipag-ugnayan ang NCRPO sa tanggapan ni Lt. Col. Gallora na naatasan para isilbi ang warrant of arrest kay Villareal na kasalukuyang nakakulong sa Caloocan Jail. (RENE CRISOSTOMO)

153

Related posts

Leave a Comment