GUANZON BIGO SA KANYANG TUNAY NA AGENDA

MATAPOS na magretiro ang kontrobersyal na Comelec commissioner na si Rowena Guanzon ay patuloy pa rin nitong inaakusahan ang kapwa opisyal na si Commissioner Aimee Ferolino, na siyang ponendo sa ilalabas na resolution.

Bagama’t hindi pa nailabas ang desisyon, biglang inilabas ni Guanzon ang kanyang dissenting opinion kung saan bumoto ito para sa DQ ni BBM na bagay na kinukuwestiyon ng ilang legal experts dahil ‘di maaaring magkaroon ng dissenting opinion kung wala pang resolution na lumalabas.

Nilabag daw ni Guanzon ang sub judice rule at ilang batas, na maaaring ­maging grounds upang bawiin ang kanyang lisensya bilang abogado maging ang kanyang pension.

Gayunpaman, tila hindi nagtagumpay si Guanzon sa kanyang tunay na agenda upang ma-disqualify si BBM sa pagkapangulo. Sinuportahan naman ni Atty. Harry Roque na ang dissenting vote ni Guanzon ay wala nang halaga dahil retirado na, ito’y parang isang walang kwentang papel na lamang.

Tila isang asong ulol si Guanzon sa kanyang mga interview sa paghahamon sa legal experts. Naging kalmado pa rin ang spokesman ni BBM na si Atty. Vic Rodriguez na sinabing walang nilabag na batas at wala ring turpitude na nagawa ni BBM.

Ang tanong, naimpluwensyahan kaya si Guanzon ng mga dilawan at pinklawan upang gamitin ang kapangyarihan nito sa Comelec para sa kasinungalingan at

­paninira sa komisyon, kung saan ito’ y nanungkulan sa loob ng pitong taon. Ang ­naging aksyon na ito ni Guanzon ay isang mapanira, unethical at unprofessional na dapat lamang maparusahan sa ilalim ng batas.

(ANG mga ipinapahayag sa kolum na ito ay ­sariling opinyon ng sumulat at hindi ­saloobin ng pahayagang SAKSI Ngayon – Patnugot)

171

Related posts

Leave a Comment