Labis pa sa January target collection MAGANDANG BUENA MANO

boc

NAGING maganda ang pagbubukas ng taong 2022 para sa Bureau of Customs makaraang makapagtala ng labis pa sa target collection ang kawanihan sa unang buwan pa lang ng taon.
Sa inilabas na datos ng BOC, pumalo sa P58.158 bil­yon ang pumasok na kita sa ahensya, higit pa sa itinakdang target na P52.123 bilyon o labis pa ng P6.035 bilyon – katumbas ng 11.58% increase.

Base sa paunang ulat  ng  BOC-Financial Service, 14 sa 17 collection districts ang ta­gumpay na maabot ang kani-kanilang takdang target — Port of San Fernando, Port of Manila, Manila International Container Port (MICP) at ang mga puertong nakabase sa Batangas, Legaspi, Iloilo, Cebu, Surigao, Zamboanga, Davao, Subic, Clark, Aparri at Limay.

Bagama’t hindi inaasahan ang hindi pagpasok ng Port of NAIA sa talaan ng mga distritong swak sa takdang target collection, hindi naman ikinagulat ang muling pagsablay ng Port of Cagayan de Oro na karaniwang kulelat sa talaan ng mga BOC facilities sa larangan ng isinampang kita sa gobyerno.

Nitong nakaraang taon, nagawa ring mahagip ng kawanihan ang target collection nito sa kabila pa ng hindi kainamang economic climate bunsod ng pandemya. Sa year-end financial report ng ahensya, pumalo sa P645.785 bilyon ang pumasok na kita sa BOC – higit pa sa annual revenue collection target na P616.794 bilyon.

Ayon kay Customs Commissioner Rey Leonardo Guerrero, hindi naging madali sa kanilang ahensya ang maabot at malampasan ang kanilang revenue collection target sa mga panahong mahigpit na pinapairal ng pamahalaan ang malawakang restriksyon bilang pag-iingat sa nakamamatay na COVID-19.

Gayunpaman, nagawa nila aniyang makapagtala ng pos­itive revenue collection performance dahil na rin sa pina­igting na mekanismo kaugnay ng “valuation,” mahigpit na pagbabantay laban sa

mga smuggling syndicates sa likod ng illegal importations, pakikipagtulungan ng mga lehitimong mangangalakal, pagpasok ng mas maraming kalakal, at pagsisikap ng ahensyang panatilihin ang paggalaw ng negosyong kalakip ng pumapasok at lumalabas na lehitimong kargamento.

Sa tala ng Department of Finance, pumangalawa ang BOC sa talaan ng mga ahen­syang nakapag-ambag ng malaki sa kaban ng bayan.

253

Related posts

Leave a Comment