KUMIKILOS ngayon ang mga awtoridad laban sa mga indibidwal na nagpapanggap na konektado sa Pitmasters Group.
Sila kasi ‘yung nangre-recruit ng mga agents para palabasing lehitimo ang kanilang e-sabong websites.
Ito ang dahilan kaya nalilito na ang mga sabungeros kung saan sila tataya.
O kung anong electronic sabong site ang kanilang tatangkilikin.
Ang siste, ninanakaw ng sindikato ang videos ng Pitmaster Live at pinapalabas sa kanilang sites.
Ayon nga kay Miguel “Mig” Laviña, marketing consultant ng Pitmasters Group, halatang may nagpopondo sa grupo.
Sabi nga, maraming involved, kasama na rito ‘yung mga financiers.
Mabuti na lang at nariyan naman ang ating mga awtoridad na talagang gumagawa ng paraan upang masugpo ang illegal activities nila.
Medyo malaking challenge din sa mga imbestigador ang usaping ito.
Pero tiyak na darating din ang panahon na magwawakas ang maliligayang araw ng mga sindikatong ito.
Hindi ba’t kamakailan ay may sumukong agent ng isang pekeng website?
Aminado ang mama na na-recruit lang daw siya.
Nawawala rin daw ang kanyang master agent.
Aba, nariyan pa rin talaga ang problema sa pagkawala ng mga sabungeros sa Maynila.
Iniimbestigahan na rin naman iyan ng mga ahente ng Philippine National Police (PNP).
Kamakailan din, may mga nagtangkang magbato ng granada sa isang sabungan sa Maynila.
Ang posibleng motibo sa pagkawala ng mga sabungeros ay ang game-fixing daw.
Sila-sila rin itong mga sindikato ang nag-aaway.
Kumbaga, maaaring hindi nabayaran ang ilang tao kaya nagalit at dinukot ang mga pinaniniwalaang nanloko sa kanila.
May mga nagpapalabas kasi ng e-sabong videos sa ilang websites na hindi naman konektado sa Pitmaster.
Tumataya doon ang mga sabungeros.
Lingid sa kaalaman nila, walang katiyakan na mananalo sila.
Kaya ‘yung mga nananalo, hindi rin tiyak kung paano makukuha ang panalo nila.
Maraming possible motives dito at iyan nga ang tinututukan ng PNP.
Ang naiipit tuloy sa mga ganitong pangyayari ay ang mga talpakeros.
Kaya huwag na pong tumalpak sa mga kolorum na e-sabong websites dahil baka masayang lang ang taya ninyo at kapag nanalo kayo ay baka hindi rin kayo mabayaran.
Doon lang po tayo sa lehitimo at mapagkakatiwalaan tulad na lamang ng Pitmaster Live!
837 