HOUSE-TO-HOUSE VACCINATION TARGET SA BARMM

PLANO ng pamahalaan na magsagawa ng house-to-house vaccination sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) upang tumaas ang numero ng mga taong protektado laban sa coronavirus.

Sinabi ng Department of Health (DOH), bukod sa house-to-house vaccination na tinatawag na “suyod”, ang iba pang planong aktibidad ay ang pagdaraos ng information caravans, dayalogo sa mga taong patuloy na tumatanggi na magpabakuna, probisyon ng “ayuda” para sa mga taong handang magpabakuna at radio plugging sa rehiyon.

Tiniyak naman ng BARMM health authorities sa Islamic community na ang COVID-19 vaccines ay sertipikado ng Philippine Halal Certification Board bilang “Halal” o pinahihintulutan sa paniniwala ng Islam.

Nitong Martes, sinabi ni National Vaccination Operations Center (NVOC) chief Myrna Cabotaje na ang relihiyon ay hindi pangunahing dahilan para sa mababang inoculation turnout sa BARMM lalo pa’t sa Muslim countries gaya ng Malaysia, Indonesia at Saudi Arabia ay mayroong mataas na vaccination rates.

Kabilang sa mga hamon ng vaccination rollout sa BARMM ay “vaccine hesitancy or vaccine preference; limited manpower; fake news dissemination; late submission of daily vaccination report; and lukewarm support from local chief executives (LCEs) and barangay local government units (BLGUs).”

At upang matugunan ang mga ito, plano ng gobyerno na magpadala ng karagdagang staff para sa data management at mag-hire ng IT technicians at magbigay ng prepaid Wifi and load allowance upang matiyak ang on-time submission ng daily vaccination reports.

Kaugnay nito, isang mambabatas sa Kamara ang nais pagpaliwanagin ang DOH at National Task Force against COVID-19 dahil umano sa kawalan ng update sa bilang ng mga nabakunahan sa bansa.

Ayon kay Misamis Oriental Rep. Juliette Uy, napako sa Pebrero 9 ang mga datos ng national vaccination tracker at hanggang sa isinusulat ito ay walang update kung ilang milyong Pinoy na ang nabakunahan.

“The DOH and the NTF-COVID must explain immediately why the vaccination tracker is stuck at February 9 and there have been no updates since then. They must also explain why the regional data are gone..,” bahagi ng pahayag ng mambabatas.

Huling ulat sa NTF dashboard ay umaabot na sa 128,700,168 ang bakuna na naiturok sa bansa mula noong nakaraang taon.

Sa nasabing bilang, 60,674, 767 ang nabigyan ng first dose, P60,013,407 ang nakakumpleto na ng dalawang jab habang 8,011,994 ang nabigyan ng booster shot.

“What happened? Has there been a security breach? Has the tracker suffered a major collapse? Paki-explain agad para hindi mabahala ang taumbayan,” ayon pa sa mambabatas. (CHRISTIAN DALE/BERNARD TAGUINOD)

225

Related posts

Leave a Comment