E-SABONG SA LAGUNA NILOOBAN, P140K TINANGAY

sabong

LAGUNA – Pinasok at ninakawan ng ‘di pa kilalang suspek ang tanggapan ng Pitmaster Online Sabong sa Barangay Masapang, sa bayan ng Victoria sa lalawigang ito, noong Huwebes ng madaling araw.

Ayon sa ulat ng pulisya, alas-12:20 ng madaling araw nang pasaukin ng mga kawatan ang establisimiyento.

Batay sa kuha ng CCTV, nakapasok ang suspek mula sa likod sa kaliwang bahagi ng establisimyento bago dumiretso sa payout window kung saan puwersahang binuksan ang safety vault at tinangay ang halagang P140,000.

Tinutugis na ng pulisya ang suspek na tumakas patungo sa ‘di pa malamang direksyon. (NILOU DEL CARMEN)

239

Related posts

Leave a Comment