KRISIS SA TUBIG, NAKAAMBA SA CAMANAVA

HINDI pa man tuluyang natatapos ang dalawang taon nang pandemya, sumunod naman ang pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo at mga pangunahing bilihin, habang krisis naman sa tubig ang nakaamba sa Caloocan, Malabon, Navotas at Valenzuela (CAMANAVA) area.

Unang nasampolan ang lungsod ng Valenzuela, kung saan abot sa 23 barangay ang nawalan ng tubig mula Miyerkoles dakong 10:00 ng gabi (Marso 9), hanggang 6:00 ng umaga nitong Huwebes, (Marso 10).

Kabilang sa mga nawalan ng tubig ang mga barangay ng Arkong Bato, Balangkas, Bisig, Coloong, Dalandanan, Gen. T. De Leon, Isla, Karuhatan, Mabolo, Malanday, Malinta, Marulas, Maysan, Palasan, Parada, Pariancillo Villa, Pasolo, Poblacion, Polo, Rincon, Tagalag, Viente Reales at Wawang Polo.

Nabatid na ang ugat nito ay ang pagpuno umano ng Maynilad sa mga reservoir nito na mabilis na bumaba ang supply dahil na rin sa malaking pangangailangan sa tubig. (ALAIN AJERO)

268

Related posts

Leave a Comment