4 KATAO NATABUNAN SA GUMUHONG TUNNEL

PINANGANGAMBAHANG namatay na ang apat na minerong natabunan sa pagguho ng tunnel sa Diat Palo, Pantukan, Davao de Oro bunsod ng walang tigil na pag-ulan na nagdulot ng mga pagbaha sa maraming lugar sa Mindanao.

Ito ay makarang ma-recover ang isa sa apat kataong natabunan ng pag-collapse ng tunnel ngunit bangkay na ito.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga awtoridad, bago nangyari ang pagguho sa nasabing tunnel, ilang araw na nakaranas ng pag-ulan ang lugar na naging dahilan ng paglambot ng lupa.

Puspusan ang paghahanap sa tatlo pang nawawalang mga minero.

Wala pang inilabas na pangalan ang Pantukan PNP o maging ang mga

awtoridad ng lokal na pamahalaan, sa mga biktimang natabunan sa tunnel. (JESSE KABEL)

225

Related posts

Leave a Comment