INILAGAY ng Inter-Agency Task Force, ngayong Martes, Marso 15 ang National Capital Region (NCR) kasama ang 47 pang lugar sa ilalim ng Alert Level 1, epektibo Marso 16, 2022 hanggang Marso 31, 2022.
Ang mga lugar na ito sa Luzon ay ang Cordillera Administrative Region: Abra, Apayao, Baguio City at Kalinga; Region I: Dagupan City, Ilocos Norte, Ilocos Sur, La Union at Pangasinan; Region II: Batanes, Cagayan, City of Santiago, Isabela at Quirino;Region III: Angeles City, Aurora, Bataan, Bulacan, Nueva Ecija, Olongapo City, Pampanga, Tarlac and Zambales;
Region IV-A: Batangas, Cavite, Laguna at Lucena City;
Region IV-B: Marinduque, Puerto Princesa City at Romblon; at
Region V: Naga City at Catanduanes.
Sa Visayas, ang mga sumusunod na lugar ay Alert Level 1 na rin:
Region VI: Aklan, Bacolod City, Capiz, Guimaras at Iloilo City;
Region VII: Cebu City at Siquijor; at
Region VIII: Biliran, Ormoc City at Tacloban City.
Habang sa Mindanao, ang mga sumusunod:
Region IX: Zamboanga City;
Region X: Cagayan de Oro City at Camiguin;
Region XI: Davao City; at
CARAGA: Butuan City.
Ang mga lugar na hindi binanggit sa listahan ay inilagay sa ilalim ng Alert Level 2 simula Marso 16, 2022 hanggang Marso 31, 2022. (CHRISTIAN DALE)
186 