IPINAGHARAP na ng kasong kidnapping at serious illegal detention ang 15 katao, kabilang ang anim na hindi pa binanggit ang mga pangalan dahil sa pagkakasangkot sa pagkawala ng 34 sabungero.
Ilan sa mga kinasuhan ay kinilalang sina Julie Patigonan, alyas “Dondon”; Mark Carlo Zabala; Virgilio Bayog; Roberto Milano Jr.; Jonas Alingasa; Johnny Consolacion; Herolden Alonto; Gler Cudilla at anim na iba pa.
Ang mga ito ay staff umano ng Manila Arena sa Parañaque, City.
Naghain ng reklamo sa Department of Justice ang mga kaanak ng mga sabungero matapos na isa sa mga ito ang nakatanggap ng tawag mula sa anak na humihingi ng tulong at isa umano sa dinukot sa naturang sabungan.
Enero 13, 2022 nang dukutin umano at isakay sa van ang ilan sa mga nawawalang sabungero. (RENE CRISOSTOMO)
221 