ACT-CIS NAGPASALAMAT SA SUPORTA

NAGPASALAMAT ang ACT-CIS Partylist sa lahat ng mga sumusuporta sa kanila matapos manguna sa latest survey ng RP-Mission and Development Foundation Inc. (RPMD) sa mga ibobotong partylist sa darating na halalan ngayong May 9, 2022.

Nakakuha ng 8.23 % rating ang ACT-CIS na sapat para maging “top choice” na partylist ng mga botante.

Ayon kay ACT-CIS nominee Edvic Yap,  nakatataba  ng puso dahil pinili sila ng mga botante para muling maging kinatawan nila sa Kongreso.

Taos-pusong nagpapasalamat si Yap sa tiwala sa kanila ng publiko at nangakong ipagpapatuloy ang magagandang nasimulan ng kanilang grupo.

Sinabi naman ni ACT-CIS Chairman Erwin Tulfo, hihigitan pa nila ang pagtulong sa publiko ngayong taon, kumpara sa mga nakalipas na taon na ginawa nilang pagtulong.

Ani Tulfo, hindi lang pagtulong sa mga inaapi, kundi pati sa mga may sakit na mga kababayan ay makakaasa rin ng ayuda mula sa maintenance medicines hanggang sa pagpapagamot sa ospital.
Para naman kay ACT-CIS Congresswoman Jocelyn Pua-Tulfo, “we will try to reach as many people sa possible pagdating sa pagtulong ng aming grupo.

264

Related posts

Leave a Comment