TUTUTUKAN ng Turismo Isulong Mo Partylist (TURISMO) ang pagpapalaganap at pagpapalakas ng “tourism awareness” o kamalayan ng mga Pilipino sa kahalagahan ng turismo dahil malaki ang maitutulong ng industriya sa pagbangon ng ekonomiya.
Ayon kay Atty. Marco Bautista, nominee ng TURISMO, pangako nila ang pakikipag-ugnayan sa iba’t ibang komunidad ng bansa sa mainit ang pagtanggap at interes ng mga Pilipino sa turismo.
Sinabi ni Atty. Bautista, nagagalak silang ibahagi ang kaalaman at karanasan sa sektor ng turismo sa ating mga kababayan na makikinabang sa muling pagsigla ng industriya sa pagdagsa ng local at international tourists.
Si Bautista ay dating DOT Undersecretary at ex-Mayor ng San Juan Abra ay nagsabi pa na ang industriya ng turismo ang nag-ambag ng 12.7 percent ng Gross Domestic Product (GDP).
Giit ni Bautista, isusulong din ng #156TURISMO Partylist ang pagsasanay ng kabataan sa pagiging tour guide bilang bahagi ng kanilang curriculum sa senior high school.
“Handa kaming tumulong sa paghahanda ng makatotohanang tour guide training program na dapat ipatupad ng Department of Education (DepEd). Bagamat may pahapyaw na tour guide training na ibinibigay ang gobyerno, mas magiging epektibo kung ito’y gagawing integral, distinct course sa senior high school,” ayon kay Bautista.
Ang hanay ng 156 TURISMO ay binubuo ng mga tourism workers at entrepreneurs na makakatulong magbahagi ng praktikal na kasanayan sa pagiging tour guide, sabi pa ni Bautista.
“Maituturing natin ang mga tour guides na unsung hero ng industriya ng turismo na isang major contributor sa ekonomiya ng bansa,” pagdidiin ni Bautista.
Sa pagiging tour guide, magagamit ng kabataan ang kaalaman sa kasaysayan ng Pilipinas, preservation ng mga natural tourist attractions kabilang ang mga protected national parks, at pagpapayabong ng sustainable eco-farm resorts, dagdag pa ni Bautista.
Isa pang aspeto ng tour guide training na kagigiliwan ng kabataan ay ang pagsasanay sa foreign language speaking tulad ng Korean, Japanese, Chinese, French, German, Italian at iba pa.
125