TILA nagiging over acting na at umaabuso sa kapangyarihan ang ilang tauhan ng Travel Control Enforcement Unit ng Bureau of Immigration (BI) sa NAIA sa mga kababayan nating umaalis upang magbakasyon sa ibang bansa.
Ayon sa isang nag trending na post sa social media ng isang Pinay businesswoman na nakabase sa bansang Germany, noong April 17 ay binigyan nito ng pagkakataon ang kanyang dalawang staff na nasa bansa upang magbakasyon sa Thailand bilang regalo sa kanilang naging serbisyo sa maraming taon at malibang dahil sa mahabang pandemic at pagkamatay ng magulang ng isa nitong staff.
Sa kabila na kumpleto naman ang travel documents na ipinakita ng dalawa katulad ng certificate of employment, ID, informal invitation letter, hotel booking , travel insurance, pocket money at iba pang supporting documents ay nakwestyon pa ang mga ito ng TCEU officers na nakilala lamang sa kanilang name plate na Quedado at Bernal, sa kabila ng pagtanggi ng mga ito na mag-pakilala.
Nakaranas din umano ang dalawa ng diskriminasyon mula sa tauhan ng BI nang tingnan ang laman ng kanilang ATM ay 6 pesos lamang samantalang may dala ang mga ito na pocket money.
Dahil dito ay nakaalis na ang kanilang eroplano at muling gumastos ang kawawang kababayan natin dahil sa ‘di makatwirang kalupitan ng ilang Immigration officers.
Bukod sa dalawa ay nakaranas din umano ang Pinay businesswoman ng harassment ng tumawag ito sa tanggapan ng BI-NAIA at akusahan pa itong illegal recruiter at imo-monitor pa raw ang kanilang galaw at pag-uwi sa bansa samantalang iginiit nito na wala siyang ginagawang iligal at residente ito ng Germany dahil sa kanyang asawang Pinoy-Aleman.
Isang desperadong galaw rin ang naging comments ng isang pinaniniwalaang dummy account ng isang Immigration officer sa viral post na tanging ang officers lamang ang nakakaalam ng detalye. Maging ang mga anak ng Pinay ay pinagtangkaan din na kikidnapin umano.
Dahil sa viral post ay agad na nagpalabas ng praise release ang BI at tila minaliit at naghugas-kamay ang mga ito saka sinabing ang isyu ay dahil lamang sa hindi tamang pagsusuot ng ID ng officers ng TCEU na nasa ilalim ng chief intelligence ng BI matapos itong agawin sa Port Operations Division.
Attention: DOJ Secretary Menardo Guevarra! Sir, pakiimbestigahan nga po itong reklamo ng ating mga kababayan.
(ANG mga ipinapahayag sa kolum na ito ay sariling opinyon ng sumulat at hindi saloobin ng pahayagang SAKSI Ngayon – Patnugot)
382
