MABIGAT NA DALOY NG TRAPIKO NGAYONG WEEKEND

MMDA ILLEGAL PARKING

(NI ROSE PULGAR)

INABISUHAN  ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang mga motorista na makararanas ng masikip na daloy na trapiko ngayong weekend dahil isasara ang ilang kalye bunsod ng muling road re-blocking na isasagawa ng Department of Public Works and Highways (DPWH).

Kagabi ng alas-11:00 (Biyernes, Marso 15), isinara  ang Southbound lane na maaapektuhan ang bandang intersection sa C-5 Road at Julia Vargas Ave., maging ang intersection C-5 Road at Lanuza Avenue, sa harap ng SM Aura, parte ng EDSA New York Monte de Piedad; ikatlong lane mula sa sidewalk at ang pangalawang lane o ang truck lane ng  Katipunan Ave. corner CP Garcia.

Apektado rin ang Fairview Avenue mula Atherton hanggang Regalado Avenue , North, ikalawang lane mula sa center Island sa Northbound.

Bukod pa rito, makararanas din ng road re-blocking ang ibang lugar dahil sa restoration o concreting works ng Maynilad Water.

Kabilang ang Commonwealth Avenue corner Litex Barangay Batasan Hills Quezon City.

Ang nabanggit na mga kalye ay isasailalim sa road repair ng DPWH at alas-5:00 ng umaga sa Lunes (Marso 18) ay muli itong bubuksan at magiging passable sa mga motorista.

Pinapayuhan naman ng MMDA ang mga motorista na umiwas sa mga naturang daan at maghanap na lamang ng alternatibong ruta.

163

Related posts

Leave a Comment