231 GRAMO NG KUSH NASABAT NG PDEA, BOC

TINATAYANG nasa 231 gramo ng kush o high grade marijuana ang nasamsam ng Bureau of Customs (BOC) – Port of Clark at ng  Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa dalawang kargamento na naglalaman ng kontrabando na nagmula sa Spain.

Tinatayang nagkakahalaga ng P392,700 ang mga parcel na naglalaman ng ilegal na droga.

Unang idineklara na naglalaman ang mga kargamento ng “city comfort bufanda mujer invierno”.

Subalit nang isalang sa masusing pagsusuri ay nadiskubre ang dalawang plastic pouches na naglalaman ng dried leaves, buds, at stem sa kargamento mula sa Madrid.

Dumating sa Pilipinas ang unang shipment na nagmula sa Madrid noong Marso 27, habang noong Abril 3 naman dumating sa bansa ang ikalawang shipment mula sa Barcelona.

Samantala, tatlong vacuum-sealed packs naman ang nakita sa shipment mula sa Barcelona.

Hindi muna kinilala ang mga mga consignee ng dalawang kargamento na sinasabing taga Quezon City at Marikina City.

Dinala ang samples sa PDEA para sa chemical laboratory analysis at dito naberipika na marijuana ang laman ng mga kargamento.

Hawak ngayon ng PDEA ang mga ilegal na droga para sa wastong disposisyon. (JESSE KABEL)

181

Related posts

Leave a Comment