KANONG PEDOPHILE TIKLO SA ZAMBO

NALAMBAT ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) sa Zamboanga del Norte ang isang American pedophile na wanted sa United States of America dahil sa kinasasangkutan nitong kasong child molestation.

Kinilala ni Immigration Commissioner Jaime Morente ang suspek na si Bradley John Moore, 49, naaaresto noong Huwebes sa Dapitan City,  kanyang pinagtataguang bahay.

Ayon kay BI-FSU acting chief Rendel Sy, si Moore ay ikinokonsidera na isang overstaying alien, at kinakailangan agad na pabalikin sa America upang panagutan ang kanyang pagkakasala sa batas.

Ayon pa kay Sy, dumating si Moore sa Manila noong pang Disyembre 6, 2020, at nadiskubre sa BI record na hindi na ito umalis hanggang sa kasalukuyan.

Dagdag pa ni Sy, si Moore ay mayroong nakabinbin na warrant of arrest na inisyu ng District Court ng McKinney sa Texas, bunsod ng kasong aggravated sexual assault, at 3 counts ng indecency at nakipagtalik umano sa kanyang biktima.

Si Moore ay pansamantalang naka-detine sa Dapitan City Police Station, habang hinihintay ang paglipat sa kanya sa BI Warden facility sa Camp Bagong Diwa, Taguig City, kung saan isasagawa ang deportation proceedings ng BI Board of Commissioners. (FROILAN MORALLOS)

133

Related posts

Leave a Comment