Daanan ng mga raliyista BOUNDARIES NG RIZAL SELYADO NG PNP

BANTAY-SARADO ng Rizal PNP ang mga lagusan ng mga raliyista kahit ilang araw nang tapos ang May 9 national and local elections.

Batay ito sa kautusan ni Rizal PNP Provincial Director, P/Col. Dominic Baccay sa kanyang 14 chief of police sa 13 bayan at isang lungsod.

Sa virtual press conference ng Rizal PNP nitong Biyernes, sinabi ni P/Lt. Mariesol Tactaquin, Rizal PNP Public Information Officer (PIO), tuloy pa rin ang mahigpit na monitoring lalo pa umano at may mga grupo o kandidato na hanggang ngayon ay hindi pa tanggap ang pagkatalo.

May kaugnayan aniya ito sa banta ng ilang grupo na nagsasagawa o magsasagawa ng mga kilos-protesta sa Maynila.

Dagdag nito, pangunahing binabantayan ng mga awtoridad ang boundary ng Rizal na lusutan ng mga raliyista mula Bulacan, Laguna, Quezon atbp.

Aminado ang pulisya sa 13 bayan at isang lungsod na maraming entry points silang binabantayan para sa patuloy na peace and order o seguridad.

Sa laki umano ng mga lugar na binabantayan ng mga ito ay siya namang kukunti ng kanilang mobile cars na ginagamit sa pagpapatrolya o monitoring.

Hiling ng Rizal PNP, madagdagan pa ang mobile cars o mobile patrol para sa mabilis na pagresponde sa mga tawag ng emergency.

Sinabi naman ni Baccay, generally peaceful ang katatapos na eleksyon hindi lamang sa lalawigan kundi sa halos buong bansa. (ENOCK ECHAGUE)

161

Related posts

Leave a Comment