NANALONG SENADOR IHAHAYAG SA LINGGO

NAKATAKDANG iproklama ng Commission on Elections (Comelec) ang 12 pinalad manalo sa posisyon ng senador sa Linggo, Mayo 15,2022.

Ayon kay Comelec Commissioner George Garcia, inaasahang matatapos ang canvassing ng mga botong kalakip ng nalalabing 52 Certificates of Canvass sa Biyernes.

Bukod sa mga senador, plano aniya ng komisyong iproklama na rin ang ilan sa mga partylist groups na nakapagtala ng higit pa sa 2% na botong hudyat ng kanilang pagkapanalo.

“Kung magkakaganon, hindi po siguro lalagpas ng Linggo, makakapag proklama na tayo ng ating nanalong senador at siguro nga kahit nga ‘yung party-list congressmen natin,” sambit ni Garcia.
Sa 173 Certificates of Canvass, 121 na ang natapos busisiin at bilangin ng poll body.

Sa ilalim ng Republic Act 7941 (Party List System Act) na nagtatakda ng 60 pwesto para sa mga sectoral representatives sa Kamara, nakakatiyak ng isang pwesto ang anumang partylist group na nakapagtala ng 2% o higit pang boto base sa bilang ng mga lumahok na rehistradong botante.

Sa mga partylist groups na nakasungkit ng labis pa sa 2%, dagdag pwesto naman ang garantisado batay sa probisyon ng naturang batas.

Gayunpaman, limitado lang hanggang tatlong pwesto ang [pinapayagan batay pa rin sa alituntunin ng RA 7941.

Kabilang sa inaasahang ipoproklamang party-list groups ang ACT-CIS na nakakuha ng 1,112,991 boto (6.0586%), Ako Bicol na may 513,403 (2.7947%), 1-Rider partylist na nakasilat ng 453,712 (2.4698%), 4PS na mayroong 427,779 (2.3286%), Ang Probinsyano na may 421,253 (2.2931%), Sagip na may 411,440 (2.2397%), Cibac na may 394,750 (2.1488%), Ako Bisaya na may 391,242 (2.1297%) at Probinsyano Ako na nakapagtala ng 380,119 (2.0692%).

135

Related posts

Leave a Comment